About eXcreta

What I did on my summer vacation >>

Oi man. Mula sa mga bungang-alak nagsimula ang eXcreta. Bagamat ‘di na bago ang idea ng fanzine, eto ang napili naming paraan upang ipahayag ang samut-saring kung-anong lumilikot sa mga utak at pakiramdam sa pang-araw araw, na di naman talaga natutugunan ng kasalukuyang takbo ng media, partikular sa mga babasahin. Taong 2007 nabuo ang Issue No.1. Bagamat payak, mapalad namin itong nailimbag (Xerox-copied syempre!) at pinamigay ng libre sa mga kaibigan at kakilala. Natuwa naman sila kahit paano at ito ang nagsilbing inspirasyon namin upang magpatuloy.

Kaya lang, nangyayari ang tutoong buhay sa pagitan ng mga pangarap. Lumipas din ang kung ilang taon, kasabay ang mga pagbabagong-bihis. At dahil dyan, nabuo ang pahinang ito bilang lalagyan ng mga darating pa naming Issue (sana) at kung ano pang aming maisipan sa hinaharap. Kung mayroon din kayong nasulat na tula, maikling kwento, artikulo, artwork, larawan o kahit anong creative output (as in, kahit ano) na nais nyong i-ambag ay malugod naming tinatanggap. Wala man kaming pambayad, mabibigyan naman namin ito ng puwang at di mababaon sa limot. Sana’y makasabay naming kayo sa aming pangangapa at maging katuwang sa pagtik-tik ng kalawang. Maligayang pagbabasa at paglalakbay kaibigan. Ayos.

Disclaimer >>
eXcreta is a once-in-a-blue-moon publication/shit of SOLID WASTE ACTION TEAM (S>W>A>T>), proud member of Sagalon-gos Group of Publications (Atty. Amador Sagalon-gos, founder and proprietor) in partnership with FISHBALL GRAPHICS and Salen-ga, the Filipino scientist who discovered that positive electrons are actually negative. All written works are properties of their respective authors/owners of the lonely heart and may not be quoted, copied, reprinted, twitted or facebooked without the consent of the owner’s parents and the Supreme Court Jesters of the Philippines, as per DTI-NCR Permit no.666 Series of Unfortunate Events (usually granted naman, lalo na pag malambing ang nagre-request). All gig photos featured here are properties of their respective owners, while images and other photos that are used to enhance articles herein were merely downloaded from various internet sites and we don’t claim ownership for them. All credits go to the original owner/uploader and for that we are truly grateful. We apologize in advance if we have used them in a manner offensive to your taste, we never intended it to be (naglalambing lang din kami) and should you wish to have them removed in these pages, we will gladly do so. All graphic design, image editing, lay-out and artsy-fartsy bullshit by FISHBALL GRAPHICS. Copyright 2010, all rights (and some lefts) reserved. This site is maintained by Pakaplog Power.